Graduation Post: Usapang I’m Drunk, I Love You, Ely Buendia, at Salbakuta

Usapang I’m Drunk, I Love You

c5huadouoaa5vg1
Disclaimer: Di ako ‘yan, si Paulo Avelino (Dio) ‘yan. Baka kasi malito ka. I can’t blame you, though. (c) Google Images

“It’s been seven years. Three years na akong delayed. Three years na tayong delayed. Lagpas MRR na ‘to.”

-Maja Salvador as Carson, I’m Drunk, I Love You

Minessage ako sa Facebook ng kaibigan ko isang araw, panoorin ko raw ang I’m Drunk, I Love You. Tungkol daw sa dalawang UP students. “Seven years sina ate bago naka-graduate. Nkklk.”, sabi pa niya. Natawa kaming dalawa: siya, dahil sobrang tagal ng inabot nung dalawang bida sa college; ako, dahil sobrang totoo nung ‘seven years’ sa UP.

Pero, bakit ko nga ba sinimulan kina Carson at Dio? Dalawang rason: (1) katulad nina Carson at Dio, OPO, NGAYON LANG AKO GA-GRADUATE; pero (2) hindi katulad nina Carson at Dio, 6 years lang ang inabot ko sa UP. Di lampas sa MRR. Take that, you two!

Usapang Ely Buendia + Ang Alamat ng Sablay

Di naman ako na-in-love tulad ni Carson, o nagbanda tulad ni Dio. Pero dahil kunwari sing-interesting din ako ni Maja at Paulo. At dahil kunwari pinipilit n’yo akong ikwento kung bakit inabot ako ng six years sa UP, sige na nga.

Sisimulan ko nung January 2015. First few days ng supposedly last semester ko sa UP. Excited na ako. Nagdasal pa ako:

“Lord, sana po Sumablay na ako pagkatapos nitong sem na ‘to.”

Di ko naman na-explain kay Lord na ‘yung ibig sabihin ko sa Sablay ay ‘yung sinusuot, hindi ‘yung pino-problema. Malay ko ba’ng may miscommunication din pala sa langit.

Kaya ayun, after four years ng pagpasok kahit walang ligo, tulog, kain, social life, love life,  or all of the above, natapos ko ang 143 units ko sa Agribusiness Management.

But wait, there’s more: 146 lahat ang units ng BS Agribusiness Management.

‘Yung ABM 190 (aka Special Problem, counterpart ng Thesis sa ibang departments/colleges), di ko natapos bago ang deadline. Dahil sobrang burnt out ko na nung mga panahong ‘yon. Dahil sobrang nasagad na ako sa pagod, puyat, gutom, at caffeine tolerance. Dahil di ko na kinaya ang pressure sa pag-graduate. At dahil di naman ako si Ely Buendia na kayang gawin ang lahat pati ang thesis mo, wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko.

640_ely_buendia_ligaya_2016_04_06_16_53_09
Nagsalita na si Ely.  (c) Google Images

 On second thought, I should have seen it coming. Special Problem nga, e. Kumbaga sa pansit, may itlog sa ibabaw; sa massage, may happy ending sa dulo. Hindi s’ya basta problem, “special” s’ya!

Sa madaling salita, hindi ako naka-graduate. To be fair, nasagot naman pala ang dasal ko. Sumablay nga rin naman ako.

Usapang Salbakuta: Stupeeehhd….

Ang sakit palang makakita ng graduation kapag alam mong dapat andun ka rin. Kapag alam mong dapat suot mo rin ‘yung Sablay na suot nila. Parang nung nalaman mong pinaasa ka lang pala ni Ely Buendia, at hindi pa pala s’ya tapos sa sarili n’yang thesis—akala mo totoo na, joke lang pala. Parang si Carson sa harap ng naghaharutang sina Dio at Pathy—akala mo may chance, wala pala. Parang unrequited love (pero sa UP, hindi sa tao). Or in the words of Salbakuta, “minahal kita pero ako’y ginago mo / and it took a long time bago pa maka-recover / sa ginawa mo sa’kin meron pa akong hangover.”

At totoong meron pa nga akong hangover. I went through depression. I gained a lot of weight, lost motivation in doing anything, had extreme insomnia, and developed social anxiety.

I got a grade of INC (incomplete) for my Special Problem. Ibig sabihin, may isang taon pa ako para kumpletuhin ang mga bagay-bagay. May laban pa, kumbaga. Pero sa estado ko, pinili kong magpahinga na lang muna at palipasin ang isang semester. I decided I would start anew sa pagpasok ng 2016. Pero dahil na-enjoy yata ng universe ang joke n’ya, meron pala itong re-run, 2016 version: pagbalik ko sa department ko, nalaman kong dahil sa residency issues na hindi ko naasikaso nung mga panahong depressed ako, I was considered Absent without official leave (AWOL).

Sa madaling salita, hindi na naman ako makaka-graduate.

Sa ikalawang pagkakataon, lumampas na naman ang graduation nang hindi ako kasama—another day of seeing my schoolmates and friends wearing Sablay on their shoulders while I was at home thinking I’m a sablay myself. Devastated, I consulted my SP adviser. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari nung mga panahong nagpahinga ako. He told me he would try his best and see what he could do to help me finish my SP.

But, you know what they say about bad lucks: they come in threes! Two weeks after our conversation, I woke up to my phone ringing. It was my classmate telling me that my SP adviser already passed away. (Thank you, sir, for the tough love. It took me a while to understand you, but it makes much more sense now.)

Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mack. Pero wala nang mas wawasak pa sa pagkatao ko. Yung 3 units ko, minalas ng tatlong beses at inabot ng tatlo pang semester.

Ilang beses na akong muntik sumuko, pero buti na lang kumapit ako. In-enroll ko s’ya nung sumunod na school year, and I was able to finish it, finally. Bakit nga ba ako susuko, in the first place, umiyak ako sa mga magulang ko para lang papasukin ako sa UP dahil wala kaming pera. Ayun, pagpasok ko sa UP, umiyak din ako dahil sa acads. Ipagkakait ko pa ba sa sarili ko at sa mga magulang ko ang tears of joy?

Moral Lesson of the Story

So, ano nga ba ang moral of the story, mga bata? Una, manood ka ng I’m Drunk, I Love You; hindi lang siya rom-com movie tungkol kay Carson at Dio, ‘docudrama’ rin s’ya tungkol sa tunay na buhay sa UP. Pangalawa, totoong maganda ang mga kanta ni Ely Buendia, pero ‘wag maniniwala sa mga sabi-sabing gumagawa s’ya ng thesis. Pangatlo, manalig ka sa Salbakuta. May rason kung bakit memorized mo ang S2pid Luv.

‘Yung pang apat at pang-lima ang gusto kong i-emphasize. Pang-apat, kung nade-depress ka na sa buhay, never be afraid to seek professional help. This is something I didn’t do (thankfully, I recovered), but my depression story isn’t the same as yours.  For UPLB students, you can always go to the Counseling and Testing Division (CTD) sa OSA, Room #9, 2nd floor—yung mga Tita/Tito natin nung GI—it’s their job to help students cope with these types of problems. At pang-lima, makaka-graduate ka rin. Tiwala lang. Susubukin at susubukin ka ng UP, pero hindi pa tapos ang laban basta’t ‘wag kang bibitaw. Habang mas dumarami ang pinagdaraanan mo sa UP, mas sumasarap ang pagsuot ng Sablay. Mas gumigiting ka at tumatapang.

Humayo’t itanghal

Giting at tapang

Mabuhay ang pag-asa ng bayan,

Mabuhay ang pag-asa ng bayan!

-UP Naming Mahal

3

Magdangan, Vincent Porteza

2011-47289

Bachelor of Science in Agribusiness Management

Advertisements

11 thoughts on “Graduation Post: Usapang I’m Drunk, I Love You, Ely Buendia, at Salbakuta

Add yours

      1. DJ Dan Mangga > VJ Vince hahahaha Eh wow ano kayang surprise doon. Masusurprise ako kung napapirmahan mo na yan sa UHS hihihihihihihihihi

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: